[Posted by Eliseo Gonzaga on Puri Titiwang Presents mailing list, 2010-07-23; poster image on 2010-07-25]
TARIMA
Ang Busilak na Pag-ibig ni Fanny
NAGBABALIK sa eksena ang gay icon na si Fanny Serrano sa mundo ng showbiz na sa mahigit tatlong dekada ay tahanan ng fashion stylist/beauty guru ng mga bituin at part-time actor/director—dito sa pelikulang “Tarima.”
Masasangkot si Fanny sa mga latak ng lipunan sa City Jail, partikular sa “tarima”—tinaguriang “love nest” kung saan ang mga bilanggo at kanilang bisita ay hinahayaaang magtalik nang ilang oras o araw para bigyang puwang ang kanilang sekswal na pangangailangan.
Bukod sa asawa’t nobya, tanggap na rin palang maski kalaguyong bading ay nakakagamit ng facilidad na ito.
Kahalubilo rito ng Fanny character na si Rosello ang malungkuting bilanggong si Rocky Salumbides, ang unang boylet niyang si Raymond Cabral, ang mga lola ni Rosello na sina Gloria Romero at Rustica Carpio, best friend-na-nabilanggong si Chokoleit, ang taksil na asawang si Ana Capri, ang deglamourized gay inmate at fashionistang si Oskar Peralta, ang yayang si Tia Pusit at ang five-year old child wonder na si Rap-Rap Leuterio.
Ang “Tarima” na sinulat at dinirek ni Neal Tan, ay magkakaroon sa Agosto 28 ng world premiere sa Cultural Center of the Philippines main theatre (Nicanor Abelardo Theater) bago ang theatrical release nito sa Kamaynilaan at partisipasyon sa mga prestihiyosong festivals ibang bansa.
Ang “Tarima” ay unang handog ng Blue Gold Film Productions. Supervising producer si Gregorio Recuerdo III. Executive producer naman si Rey Maclang. (AR)
No comments:
Post a Comment