These last two posts that I found most remarkable, I found no need for more commentary. I only wished I could have the skill to interpret these for a future (possibly current) "international" audience.
- - - - - - - - - -
Proclamation 1017 is simply martial law by another name. Matanda na ako, I have lived almost a third of my life under 1081 (Marcos' martial law declaration). Ayokong daanan uli.
Emergency powers is justifiable only when it is for the people not when it is used for personal political survival and her survival seems to be the only reason why Gloria used it now.
Ayoko talaga. Lalong mahirap maging malayang bakla sa ilalim ng isang gobyernong mapaniil.
Ayokong mag-wish ng "peace" para sa lahat dahil alam ko na hindi mapapanatag ang kalooban ng marami hangga't may 1017, hanggat nand'yan si Gloria, at hanggang ang sistema ng pamamahala at pagpapatakbo ng lipunan ay 'di nagbabago.
Kailangan nating tingnan na ngayon 'di lamang ang problema sa kasulukuyang administrasyon kundi pati na ang systems na nagpapanatili ng ganitong kalagayan. Ituring natin itong pagkakataon para, ika nga ng mga bishops, i-"discern" ang mas mainam na sistema 'di lamang para mapabuti ang governance but also para mapatatag at maging democratic ang mga institutions. Ang pagkakaroon ng matatag at democratic (participatory and representative) na mga political and governance institutions ang magtitiyak na hindi mo na kailangan ang coup or even an EDSA-type revolt to effect change.
Yun lang.
Matandang nababahala,
Ferdie
- - - - - - - - - -
Sinususugan ko (I support) ang posisyon ni Ferdie na ang problema ni Gng. Arroyo ay bahagi ng isang malaking problemang sistemiko dito sa Pilipinas. Ang sistemang tinutukoy ay ang sistema ng padrino politics at ang pagkakanya natin (mula sa ating indibidwal na pag-unlad pati ang pag-unlad ng lipunang Pilipino at ng Pilipinas). At ang pag-unlad na tinutukoy ko ay hindi lang pang-ekonomiko kundi ang holistic o pangkabuuang pag-unlad bilang isang taong may dignidad at dangal.
Kasabay din nito gusto ko ring sabihin na nagkakamali tayong mga bakla kung sa palagay nating wala tayong pakialam o hindi tayo "kasali" sa usapang pampulitika. Katulad ng nabanggit ko na, tayo ay bahagi ng isang sistemang panlipunan (at pang-ekolohika, kung inyong mamarapatin). Kung anong mangyari sa isang bahagi ng isang sistema, apektado tayong lahat. Ang cancer ng corruption ay mahuhugot natin sa ating kasaysayan pero hindi ibig sabihin noon na wala na tayong magagawa pa sa kasulukuyan. Kung hindi tayo makikialam (bakla man tayo o hindi), walang makapagbabago ng sistema para sa atin. Tayo lang ang makagagawa noon.
Kung di tayo makikialam at tutongtong sa isang progresibong posisyon tungkol sa sistemikong problema natin sa lipunan, patuloy tayong makararanas ng kahirapan.
We have to look at things from a sociological-historico-politico-economic perspective and root out the problem and BE BRAVE enough to take the most democratic, most "peaceful," most representative (meaning 'di lang ng mentalidad ng isang may pera at may degree sa unibersidad), and most progressive stance to solving the problem.
Ang "wish" ko lang ay sana wag nating tingnan ang problemang ito sa mga makasarili at napakakitid na pag-iisip. Ang problemang pampulitikal ni Gng. Arroyo ay sintomas (symptom) lang ng sakit (o cancer) na meron tayo sa lipunan.
I wish us all positive thoughts and energies always,
Brucie
No comments:
Post a Comment